SINGAPORE – nakopo nina second seed Pinoy Francis Casey Alcantara at Sem Verbeek ng Netherlands ang doubles championship nitong Linggo sa second leg ng US$15,000 Singapore Open.

Ginapi nina Alcantara, miyembro ng Philippine Davis Cup at pambato ng Cagayan de Oro City, at Verbeek ang tambalan nina fourth seeds Japanese Soichiro Moritani at Masato Shiga, 6-3, 6-4, sa final showdown sa Kallang Tennis Centre outdoor hard court.

Ito ang ikalawang doubles title ng tambalan ng Filipino-Dutch netter. Nagwagi rin sila sa first leg. Ginapi nila sa semifinals ang tambalan nina Japanese Hiroyasu Ehara at Sho Katayama, 6-3, 6-0.

Umabante naman sina Moritani at Shiga nang pabagsakin ang liyamadong sina Indian Ramkumar Ramanathan at Manish Sureshkumar, 6-1, 7-6 (5).

Karl Eldrew Yulo, pamilya raw pinakamagandang regalong natanggap

Nabigo naman si Alcantara kay second seed American Raymond Sarmiento, 4-7 (4), 2-6 sa singles quarterfinal ng torneo. (PNA)