Binaril hanggang mamatay ang lalaking anak ng isang tabloid reporter nang pagbabarilin ng anim na hindi pa nakikilalang suspek sa Caloocan City, kamakalawa ng gabi.
Dead on the spot si Roman Magpoc, Jr., ng No. 110 Ramos Street, Barangay 7 ng nasabing lungsod, dahil sa mga tama ng bala ng cal .45 sa ulo at iba pang bahagi ng katawan.
Siya ay anak ni Roman Magpoc, Sr., ng Agila ng Bayan.
Mapapanood sa closed circuit television (CCTV) camera, dakong 11:45 ng gabi noong Sabado, nakatayo si Magpoc, Jr. sa labas ng kanyang bahay.
Sumulpot ang mga suspek na magkakaangkas sa tatlong motorsiklo at pinaulanan ng bala ang biktima.
Napag-alaman na si Jonathan Liwanag, bayaw ng biktima, ang nagsumbong na gumagamit umano ng ilegal na droga ang nakababatang Magpoc. (Orly L. Barcala)