PANIQUI, Tarlac – Nabahiran na naman ng sariwang dugo ang isang kalsada sa Tarlac makaraang magkabanggaan ang isang tricycle at isang motorsiklo sa Barangay Estacion sa bayan ng Paniqui, na ikinasugat ng tatlong katao, nitong Sabado ng gabi.
Nasugatan sa iba't ibang parte ng katawan sina Roland Salmon, 34, driver ng Rusi motorized tricycle (AK-0701), ng Bgy. Matalapitap, Paniqui; Almansor Buscayno, 29, driver ng Motor Star motorcycle (PX-1790); at angkas ni Buscayno na si Rodolfo Castro, 25, kapwa taga-Bgy. Santa Cruz, Cuyapo, Nueva Ecija.
Pawang isinugod sa Rayos Valentin Hospital ang mga biktima. (Leandro Alborote)