Naglilibot sa mga probinsiya ang mga kongresista simula nitong Huwebes hanggang sa Martes, Hunyo 6, upang ipagpatuloy ang pag-iinspeksiyon sa mga daan at highway, imprastruktura at instalasyon sa iba-ibang lugar.
Tinawag ito ni Speaker Pantaleon D. Alvarez bilang “working travel expedition” na sasaklaw sa North Luzon.
Ayon sa kanya, ang “North Luzon Inspection Trip” ay pagpapatuloy ng matagumpay na “First House of Representatives Western and Eastern Nautical Highway Expedition” noong Marso 17-27, 2017, nang mag-inspeksiyon ang mga mambabatas sa kalagayan ng mga pantalan at pasilidad ng Roll-on, Roll-off (RoRo), mga kalsada at highway, at iba pang mga imprastruktura. (Bert de Guzman)