MONACO (AP) — Pinatawan ng banned ang anim na Russian at Ukrainian track athletes matapos magpositibo sa isinagawang retest ng kanilang samples sa 2008 at 2012 Olympics.
Ayon sa IAAF, pinatawan ng dalawang taong banned si Russian sprinter Yulia Chermoshanskaya, kasamang nagwagi ng gintong medalya sa 4x100-meter relay sa 2008. Gayundin sina Ukrainians javelin silver medalist Oleksandr Pyatnytsya at pole vault bronze medalist Denys Yurchenko.
Nabawi na sa kanila ang mga medalya ng International Olympic Committee.
Pinarusahan sin sina Ukrainian athletes Vita Palamar, Marharyta Tverdohlib at Maksym Mazuryk, lumahok sa Olympics ngunit, bigong manalo ng medalya.
Sinabi rin ng IAAF ang pagpataw ng walong taong banned kay Natalia Lupu, ang 2013 champion sa 800-meter European indoor championship.