IBARAKI, Japan – Inalat si Pinoy golf star Angelo Que sa back nine, ngunit nagawang makatabla sa liderato sa third round ng Japan Golf Tour’s JGT Championship nitong Sabado sa Mori Building Cup Shishido Hills sa Ibaraki.

Nangunguna sa pagsisimula ng third round, matikas ang ratsada ni Que sa front nine, subalit kinapos sa sumunod na bahagi ng round para matapos sa even par 71 at kabuuang 206 para mapantayan si Brendan Jones ng Australia sa liderato.

Nasa four-under si Que matapos ang impresibong eagle three sa No. 6 at dalawang birdies, ngunit nabawasan siya ng puntos nang mag-bogey sa No.10 at triple-bogey seven sa No. 17.

Umiskor naman si Jones ng 66 para madugtungan ang naunang iskor na 67-73.

Carlos Yulo, flinex luxury car sa bakasyon nila ni Chloe

Nasa ikatlong puwesto si Shaun Norris ng South Africa sa naiskor na 68 para sa total 207 kasama si Seungsu Han ng US na may 70.