Laro Ngayon

(MOA Arena)

6:30 pm Globalport vs Alaska

NAKATAYA ang huling quarterfinal berth sa labanan ng Globalport at Alaska ngayon sa 2017 OPPO-PBA Commissioners Cup sa MOA Arena sa Pasay City.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Nagtapos na magkakasalo sa pampito hanggang pang siyam na puwesto ang Batang Pier at Aces kasama ng Phoenix taglay ang magkakahalintulad na markang 4-7.Ngunit, dahil sa mas mataas na quotient, nasiguro ng Fuel Masters ang 7th spot habang naiwan sa Batang Pier at Aces ang duwelo para alamin kung sino ang magiging huling pasahero patungo sa quarterfinals.

Ganap na 6:30 ng gabi ang do -or-die game ng Batang Pier at ng Aces kung saan ang magwawagi ay makakatapat ng top seed at twice-to-beat Barangay Ginebra Kings.

Nalagay sa alanganing sitwasyon ang Aces makaraang matalo sa huling anim na laro sa eliminations.

Dahil dito, may duda na sa kanila kung makakaya nilang maulit ang naitala nilang 107-79 panalo laban sa Batang Pier nang una silang magkaharap noong Marso 18 sa Cuneta Astrodome.

Sa kabilang dako, nakahulagpos naman sa Batang Pier ang tsansang makamit ang ikapitong quarterfinals slot nang matalo sila sa nagtapos na second seed San Miguel Beer noong Biyernes, 101-112 sa Araneta Coliseum.

Ngunit, kahit nalagay sa alanganing sitwasyon, optimistiko pa rin si Globalport coach Franz Pumaren.

“I like where we are right now, “ani Pumaren na umaming inakala nilang tuluyan na silang mawawalan ng tsansa makaraang mapagtatalo sa huling bahagi ng eliminations.

“We just have to win our last game. We have to survive our game on Saturday, “ aniya. (Marivic Awitan)