SANAA, Yemen – Lumobo na sa 605 ang bilang ng nasasawi sa ilang buwan nang pananalasa ng cholera sa Yemen—na patuloy na napagigitna sa digmaan—at inaasahang papalo sa 73,700 ang mga pinaghihinalaang kaso, ayon sa World Health Organization (WHO).
“Cholera continues to spread in Yemen. Over 73,700 suspected cholera cases and 605 associated deaths have been reported in 19 governorates,” saad sa opisyal na Twitter account ng WHO nitong Biyernes.
Mabilis ang pagdami ng namamatay sa sakit dalawang araw makaraang itala ng WHO sa 532 ang bilang ng mga nasawi, habang nasa 65,300 ang kabuuang bilang ng mga dinapuan nitong Miyerkules.
Mabilis na kumakalat ang sakit sa Yemen simula nang unang maitala ang mga kaso noong Abril 27, anang WHO. (Xinhua)