IZA copy copy

ILANG gabi na naming nababasa sa social media ang tungkol sa ‘subtle but full of emotions’ na acting ng tinaguriang Actress Extraordinaire na si Iza Calzado sa A Love To Last ng ABS-CBN.

Bukod sa FPJ’s Ang Probinsiyano ni Coco Martin, kino-consider ng netizens ang A Love To Last nina Iza, Ian Veneracion at Bea Alonzo bilang isa sa most watched TV shows ngayon.

Sa iba’t ibang social media flatforms, pangalan ni Iza ang lumulutang as the star who displays fine performance sa said drama series.

Classic movie ‘Ipaglaban Mo!’, ipinalabas ng CCP bilang kampanya vs VAWC

Gumaganap si Iza bilang si Grace, ang ex-wife ni Ian (Antonio Noble, IV) and a mother who is trying to win her children back.

Iza’s acting prowess is beyond question. Mula pa noong nagsisimula pa lang siya at bigyan ng introductory role sa political drama na Kung Mawawala Ka (GMA, 2002) to A Love To Last; from Milan (Star Cinema, 2004) to Jerrold Tarog’s Bliss (2017), naipamalas na ng 35-year old actress ang husay niya sa pag-arte.

Netizens are all praise for this award-winning star. Katunayan, may thread sa Facebook na mainit na pinag-usapan ang kahusayan niya sa serye.

Flattering para kay Iza ang mga papuri as she is being singled out sa kanyang galing bilang premyadong aktres.

Sabi nila, tamang-tama ang timpla ng bawat emosyong pinakakawalan niya sa serye. Once you watch, naho-hook ka na sa kanya at tututukan mo na.

Pero ayaw solohin ni Iza ang kredito. Aniya, collaborative o team effort ito ng lahat ng involved sa programa kaya gumagaling silang lahat.

Tama rin naman. Panalo rin ang husay ng akting nina Ian (ang guwapo niya sa screen) at Bea (bilang Andrea Agoncillo-Noble) na nagmahal sa isang lalaking mayroong ex-wife at tatlong anak.

Ang A Love To Last ay napapanood gabi-gabi sa primetime bida ng Kapamilya network. (LITO MAÑAGO)