TOTOO bang ang Philippine News Agency (PNA) at si Presidential Communications Operations Office (PCOO) Assistant Sec. Mocha Uson ay nag-post ng maling mga larawan upang ipakita ang military offensive sa Marawi City laban sa teroristang Maute Group?

Sabi ng isang mapagbirong journalist, kapag ganito raw nang ganito ang ginagawa ng Tanggapan ng Komunikasyon ng Duterte administration, makabubuting palitan na lang ang pangalang “Mocha” at gawing “Vanilla”. Baka raw pag naging Vanilla ang Mocha, tumuwid at umayos ang mga impormasyon at ulat mula sa PNA at PCOO.

Batay sa Wikipedia, ang Mocha pala ay “A fine-quality coffee or a soft kind of leather made from sheepskin”. Kung ganoon, masarap na kape ito. Samantala, ang Vanilla “Is a substance obtained from vanilla beans or produced artificially and used to flavor sweet foods or to impart a fragrant scent to cosmetic preparations”. Isa rin daw itong “Tropical climbing orchid that has fragrant flowers and long pod-like fruit”.

Binanggit bilang halimbawa ang post ng PNA tungkol sa isang Vietnam photo para sa isang report nito sa tungkol sa Marawi City noong May 27, na may titulong “Urban warfare a challenge for soldiers in Marawi”. Pinalalabas na mga kawal-Pilipino ang nasa larawan. Sa larawan, gumamit ang PNA ng isang uncaptioned photo na isang kawal ang parang nagsisiyasat sa isang bahay habang ang mga residente ay nangakatingin.

Night Owl

Pagpapanatili ng mga Boses: Paano Pinoprotektahan ng NightOwlGPT ang mga Nanganganib na Wika

Sa bandang huli, iniulat na ang litrato ay hindi kuha sa Marawi City kundi isang “cropped version” lang ng litrato ng mga sundalong Vietnamese na in-upload sa Wikimedia Commons. Aba, kung walang matatalino at mapanuring netizen, maniniwala ang mamamayan na ito ay nangyari sa Marawi City! Ano sa palagay mo, Alex Allan?

Nitong Lunes (Mayo 29), naglabas naman ng isang image si Mocha Uson tungkol sa mga sundalo na nangakaluhod na ganito ang caption: “Let’s pray for our Army. Panalangin din po natin ang mga pamilyang naiwan at nababahala sa kalagayan ng kanilang asawa at Tatay.”

Mabilis na nag-react ang mga netizen at sinabing hindi ito kuha sa ‘Pinas kundi sa Honduras. Sa Twitter account @AltTeam AFP ay nag-post side-by-side ng post ni Uson at ng orihinal na artikulo mula sa Honduras: “Tell your followers and yourself that we have enough photos of our soldiers praying. No need to use Honduras police’s. Shame!”.

Anyway, nag-apologize naman ang PNA dahil sa mga pagkakamali sa dalawang artikulo. Binura na nila ang mga ito sa FB.

Ngayong deklarado na ang martial law sa Mindanao, inaasahan ng 16.6 na milyong bumoto kay President Rodrigo Roa Duterte at ng sambayanang Pilipino na tutuparin niya ang pangakong “I will finish the problems in Mindanao.”

Naniniwala ang mga naninirahan sa Mindanao, Visayas at Luzon na sa taglay na kapangyarihan ngayon ni Mano Digong, malaki ang tsansa na “makakadapo na ang ibon ng kapayapaan” sa Katimugan na kay raming panahon na naging mailap, kaya ang kapayapaan, kaunlaran at pagmamahalan ay hindi madama roon! (Bert de Guzman)