Bagamat kinikilala, hindi naman masyadong interesado si Pangulong Duterte sa alok ng National Democratic Front (NDF) na tumulong laban sa terorismo sa bansa.

Sinabi ng Pangulo na pagpapakita ito ng “goodwill” at posibleng napagtanto rin ng mga komunista na walang kalalagyan ang mga ito kung magtatagumpay ang Maute at Abu Sayyaf sa Mindanao.

Magugunitang una nang nagbabala si Duterte na ipaaaresto ang mga NDF consultant at pinuno ng New People’s Army (NPA) na pansamantalang nakakalaya para sa peace talks kasunod ng direktiba ni Jose Maria Sison, founding chairman, sa NPA na paigtingin ang pag-atake sa mga sundalo dahil sa martial law sa Mindanao. (Beth Camia)

Relasyon at Hiwalayan

Jak masaya pang sinalubong ang 2025; netizens, napansing iba ang kasama niya