Isang biyuda ang nasawi nang pagbabarilin ng tatlong hindi nakilalang lalaki habang nagtatanghalian sa loob ng kanyang bahay sa Barangay Maybunga, Pasig City, nitong Biyernes.

Kinilala ang nasawi na si Ma. Edna Pinga, 56, walang hanapbuhay at residente ng Suarez Street, Bgy. Maybunga.

Sa ulat mula sa tanggapan ni Eastern Police District (EPD) director Chief Supt. Romulo Sapitula, dakong 12:10 ng tanghali nang mangyari ang krimen sa ikalawang palapag ng tahanan ng biktima.

Sa kuwento ng saksi, nabatid na kumakain ng tanghalian si Pinga nang biglang pumasok sa bahay nito ang tatlong hindi nakilalang suspek at kaagad siyang pinagbabaril sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

15% na kontribusyon ng SSS, para daw sa lifetime security?

Nang matiyak na patay na ang target ay mabilis nang tumakas ang mga suspek sakay sa tatlong motorsiklo.

Nagsasagawa pa ng imbestigasyon ang pulisya para matukoy ang motibo sa pagpatay at ang pagkakakilanlan ng mga suspek.

(Mary Ann Santiago)