JENNYLYN AT GIL_ratings game item copy

NAKATUTOK ang mga manonood sa pagsisimula ng primetime programs ng Kapuso Network – ang Mulawin vs Ravena at My Love From The Star – at sa emosyonal na pagtatapos naman ng consistent top-rater na Encantadia at at AlDub serye na Destined To Be Yours.

Agad pumalo sa ratings game ang muling paglipad ng mga taong-ibon sa Mulawin vs Ravena na pinagbibidahan ni Dennis Trillo bilang Gabriel na isa nang ganap na ravena ngayon. Bukod kay Dennis, pawang mga bigating Kapuso stars ang mga kasama niya sa bonggang-bonggang bagong telefantasya.

Ang Pinoy adaptation ng hit Korean series na My Love From The Star na umere nitong Lunes ay pumatok din agad sa mga manonood. Marami ang kinilig sa refreshing na tambalan nina Jennylyn Mercado bilang Steffi Chavez at ang pinakabagong Kapuso heartthrob na si Gil Cuerva bilang Matteo Domingo.

Classic movie ‘Ipaglaban Mo!’, ipinalabas ng CCP bilang kampanya vs VAWC

Kaya patuloy pa rin ang panalo ng Kapuso Network sa nationwide ratings sa buong buwan ng Mayo (base sa overnight data ang May 21 hanggang 31).

Sa kabuuan, wagi ang GMA sa National Urban Television Audience Measurement (NUTAM) sa naitalang 42.5 percent na people audience share, mas malaki sa 36.7 percent ng ABS-CBN.

Sa Urban Luzon naman, na bumubuo ng 77 percent ng mga manonood sa urban TV homes ng bansa, hindi pa rin nagpatinag ang GMA sa naitalang 49.8 percent kumpara sa 30.5 percent ng ABS-CBN.

Pitong Kapuso shows din ang nakapasok sa top 10 programs sa NUTAM at nanguna pa rin sa listahan ang Encantadia hanggang sa pagwawakas nito. Kasama rin sa top 10 ang Mulawin vs Ravena, My Love From The Star, at ang mga suki sa ratings game na Kapuso Mo, Jessica Soho, Destined To Be Yours, Magpakailanman, at 24 Oras.