Dala ng matinding takot sa pinaigting na operasyon ng militar, tatlong miyembro ng Abu Sayyaf Group mula sa Tipo-Tipo, Basilan ang napilitang sumuko sa mga awtoridad nitong Huwebes, ayon sa Armed Forces of the Philippines (AFP).

Ayon sa report na tinanggap ni Brig. General Restituto Padilla, tagapagsalita ng AFP, sumuko kay Tipo-Tipo Vice Mayor Tong Istarul ang tatlong bandido na kinilalang sina Tarsan Pimping Tong, Otsoy Harisul Subhan, at Teban Pasalun Abdulaji.

Kasama ang iba pang lokal na opisyal, iniharap ni Istarul ang mga sumukong miyembro ng Abu Sayyaf militar at pulisya, na kasama ring isinuko ang kani-kanilang baril.

Hindi pa matukoy ng mga awtoridad kung kaninong grupo nakaanib ang tatlo, na pawang bagitong bandido.

Probinsya

6 dayuhang nagsasagawa ng medical mission sa Leyte, ninakawan!

Isasailalim sa documentation at interogasyon ang tatlong bandido.

Sa kasalukuyan, umaabot na sa 67 ang mga sumukong miyembro ng Abu Sayyaf sa tropa ng pamahalaan. (Fer Taboy)