PARIS (AP) — Hindi matatawaran ang talento ni Nick Kyrgios, higit ang kanyang ugali sa court.

Britain's Andy Murray  (AP Photo/Petr David Josek)
Britain's Andy Murray (AP Photo/Petr David Josek)
Muli, nagtamo ng point deduction ang 18th-seeded na si Kyrgios matapos wasakin ang raketa tungo sa nakapanghihinayang na 5-7, 6-4, 6-1, 6-2 kabiguan kay Kevin Anderson nitong Huwebes (Biyernes sa Manila).

Marami ang naniniwala na isa ang 22-anyos na si Kyrgios sa mga papasikat na posibleng pumalit sa estado nina Roger Federer, Rafael Nadal, Novak Djokovic at Andy Murray. Ngunit, ang kanyang character sa court ang tila balakid para sa kanyang stardom.

“While he was sort of getting into his own head and struggling with some (of) his own battles,” pahayag ng 31-anyos at ranked 56th na si Anderson.

ALAMIN: Mga dapat malaman at gawin upang maging ligtas sa ‘tsunami’

Umusad naman sa third round sina No. 1 Andy Murray at No. 3 Stan Wawrinka, habang napatalsik sa women’s draw si No. 12 Madison Keys nang gapiin ng 290th-ranked qualifier na si Petra Martic ng Croatia 3-6, 6-3, 6-1, gayundin sina No. 20 Barbora Strycova, No. 29 Ana Konjuh, 2010 Wimbledon runner-up Tomas Berdych at 2013 French Open runner-up David Ferrer sa men’s draw.

“I definitely feel like I, myself, start getting a little panicky. And that’s obviously not what you want to feel in the middle of a match,” sambit ni Keys, semifinalist sa 2015 Australian Open at sa Rio Olympics.