PARIS (AP) — Magkaibang landas ang pinagdaanan nina defending champion Novak Djokovic at dating world No.1 Rafael Nadal upang makausad sa fourth round ng French Open nitong Biyernes (Sabado sa Manila).

Napatayo ang mga manonood at pigil-hininga ang bagong coach ni Djokovic na si Andre Agasi sa pahirapang panalo ng Serbian star kontra sa 41st-ranked na si Diego Schwartzman, 5-7, 6-3, 3-6, 6-1, 6-1 sa Court Philippe Chatrier.

Taliwas ito sa magaan na panalo ni Nadal kontra 63rd-ranked Nikoloz Basilashvili, 6-0, 6-1, 6-0. Ito ang pinakadominanteng panalo ni Nadal sa ika-100 career victory.

“The score is quite embarrassing, you know,” pahayag ni Basilashvili. “But I have to accept it.”

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Napahanga ni Schwartzman ang manonood, ngunit ang tunay na kalaban ni Djokovic ay ang sarili. Nagtamo siya ng 55 unforced errors at palyado ang kanyang backhand wing na siyang nais bigyan pansin ng kanyang bagong coach at Grand Slam winner na si Andre Agassi.

Umusad din sina No. 5 Milos Raonic kontra Guillermo Garcia-Lopez (withdraw), No. 20 Pablo Carreno Busta kontra No. 11 Grigor Dimitrov 7-5, 6-3, 6-4; at No. 6 Dominic Thiem kontra No.25 Steve Johnson ng US, 6-1, 7-6 (4), 6-3.

Sa women’s play, giniba ni defending champion Garbine Muguruza si No. 27 Yulia Putintseva 7-5, 6-2, habang nasibak ang dalawang unseeded American kontra sa seeded opponents: ginapi ni No. 13 Kristina Mladenovic si Shelby Rogers 7-5, 4-6, 8-6, habang pinatalsik ni No. 23 Sam Stosur si qualifier Bethanie Mattek-Sands 6-2, 6-2.