KAPANAPANABIK ang 2017 NBA Finals sa pagitan ng Golden State Warriors at Cleveland Cavaliers at nakapanghihinayang kung hindi ito mapapanood sa ating tahanan.

Para sa mas komportableng panonood sa bahay, ipinahayag ng Globe At Home na panoorin ang laro sa NBA League Pass. Bukod sa live coverage, siguradong maiibigan ang high-definition quality.

“The NBA Finals is the most important event in the world of basketball, and we want to give our subscribers the chance to be right in the action through Globe at Home,” pahayag ni SVP for Globe Broadband Business, Martha Sazon.

“Through our Globe At Home Plans starting at Plan 1299, customers can get access to the NBA League Pass, which lets them watch the games live and enjoy other exclusive benefits.”

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Sundin lamang ang tatlong pamamaraan para makapanood ng live NBA Finals.

Step 1: Hanapin ang Go to Globe Broadband NBA Promo Codes at irehistro ang inyong pangalan, birthday, at email address.

Step 2: Matapos makatanggap ng promo code, magtungo sa NBA League Pass Premium - Globe at piliin ang “Redeem your 30-Day Code”

Step 3: Para sa first time user, gumawa ng sariling account gamit ang inyong e-mail address o Facebook, habang an gang mga dati nang subscriber ay kailangan lamang na gamitin ang account. Ipasok ang promo code sa promotion box at isumite para masulit ang NBA LEAGUE PASS.