KUALA LUMPUR (AFP) – Nag-alok ang gobyerno ng Malaysia ng aabot sa $1,000 gantimpala para sa makagagawa ng pinakamagandang video na magpapaliwanag kung paano mape-“prevent” ang pagiging bading o tomboy, ayon sa kumpetisyon na inilunsad sa website ng health ministry.
Iniimbitahan ang mga tao na magsumite ng video clip na nagpapaliwanag sa iba’t ibang kategorya, kabilang ang pagiging bading o “gender confusion”, at magbigay ng mga mungkahi kung paano na ang mga ito ay “prevented or controlled”.
Iginiit naman kahapon ng mga aktibista na palulubhain lamang ng paligsahan ang takot ng komunidad ng LGBT sa Malaysia.