BERLIN/BRUSSELS (Reuters) – Nangako ang China at Europe nitong Biyernes na magkakaisa upang iligtas ang tinawag ni German Chancellor Angela Merkel na “our Mother Earth”, bilang matatag na paninindigan laban sa desisyon ni Presidente Donald Trump na ihiwalay ang United States sa Paris climate change pact.

Ang ginawa ni Trump ay “a big mistake”, sabi ni Donald Tusk, sa sa pinakamatataas na pinuno ng European Union.

Ang ibang bansa, kabilang ang India, ay nagpahiwatig ng kanilang pakikiisa. Nagsalita naman si Russian President Vladimir Putin na bagamat dapat na nanatili ang United States sa 2015 deal, hindi niya huhusgahan si Trump.

Inihayag ni Trump ang pag-atras nitong Huwebes, at idinahilan ang kanyang campaign theme na “America First”. Sinabi niya na ang pakikilahok sa kasunduan ay magpapahina sa ekonomiya ng U.S., magiging sanhi ng pagkawala ng mga trabaho, magpapahina sa national sovereignty at maglalagay sa kanyang bansa sa permanenteng pagkatalo.

National

4.5-magnitude na lindol, yumanig sa Surigao del Norte

Ang mga miyembro ng kanyang administrasyon, kabigang si Vice President Mike Pence at Environmental Protection Agency chief Scott Pruitt, ay nagpahayag nitong Biyernes na ang Paris deal ay mag-aatang ng napakabigat na pasanin sa United States.

“It was a transfer of wealth from the most powerful economy in the world to other countries around the planet,” sabi ni Pence sa telebisyon.

Magkahalong pagkadismaya at galit ang naging reaksiyon sa iba’t ibang bahagi ng mundo.

Ayon sa France, makabubuti ito sa mga estado at mga siyudad ng U.S. upang ipagpatuloy ang paglaban sa climate change.

Ang mga gobernador ng New York, California at Washington State ay nagpahayag ng paglikha ng “climate alliance” na susuporta sa Paris goals.