SA buong linggo, mas pinanood pa rin ng mas maraming Pilipino ang mga programa sa ABS-CBN nitong Mayo.

Base sa data ng Kantar Media, walo sa top ten na pinakapinapanood na programa sa bansa nitong nakaraang buwan ay show ng ABS-CBN, kaya tumaas uli ang kanilang average national audience share ng hanggang 46% sa pinagsamang urban at rural homes kumpara sa GMA na nanatili sa 34%.

Nangununa pa rin ang FPJ’s Ang Probinsyano sa average national TV rating na 38.2%. Tinutukan ng sambayanan ang pagsasara ng unang aklat ng kwento ni Cardo (Coco Martin) nang tuluyan na niyang gapiin si Joaquin (Arjo Atayde) at naipaghiganti na ang kanyang kakambal na pinatay nito. Sa pagbubukas ng ikalawang akat ng kuwento, maaksiyon ang mga eksena gabi-gabi na kapupulutan pa rin ng aral at kamalayan sa mga nangyayaring krimen sa bansa.

Pumangalawa naman ang The Voice Teens (34.7%) na patuloy na ipinapalamas ang talento sa pag-awit ng kabataang Pinoy, at sinundan ng nakaka-inspire na mga kuwento ng letter senders ng Maalaala Mo Kaya (31.8%) at mga kuwentong hitik sa mahika at aral para sa mga bata ng Wansapanataym (31.7%).

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji

Ang TV Patrol naman ang pangunahing source ng balita ng mga manonood na nagkamit ng average national TV rating na 30.3%, kumpara sa katapat nitong 24 Oras na nakakuha naman ng 19.5%.

Nasa top ten din ang My Dear Heart (26.9%) at Wildflower (22.5%). Tanging Home Sweetie Home (23.1%) lang ang sitcom na pumasok sa listahan.

Namayagpag din sa buong bansa ang ABS-CBN sa lahat ng time blocks, partikular na sa primetime (6PM – 12MN), sa naitalang average audience share na 50%, tinalo ang 33% ng GMA.

Sinubaybayan din ang ABS-CBN sa morning block (6AM-12NN) sa naitalang average audience share na 37% kumpara sa 32% ng GMA, sa noontime block (12NN-3PM) sa nairehistrong 43% laban sa 38% ng GMA, at sa afternoon block (3PM-6PM) sa pagkamit ng 47% laban sa 35% ng GMA.

Samantala, ABS-CBN din ang naghari sa iba pang mga lugar sa bansa. Sa Total Balance Luzon, nagtala ang Kapamilya Network ng average national audience share na 47% kumpara sa GMA na may 36%; sa Total Luzon sa pagrehistro nito ng 41% kumpara sa GMA na may 37%; sa Total Visayas na may 53% kumpara sa 28% ng GMA; at Total Mindanao na may 53% laban sa 29% ng GMA.