GENEVA (AP) — Nakatakdang pagtibayin ng International Olympic Committee (IOC) executive board ang kabuuan ng mga laro sa 2020 Tokyo Olympics.

Mula sa 60 proposals, ang 3-on-3 basketball ang siguradong maidadagdag sa medal count batay sa naunang pahayag ng IOC. Inaasahang ilalabas ang desisyon sa Biyernes matapos ang pulong ng Board sa Lausanne kung saan paguusapan din ang awarding para sa 2024 at 2028 Summer Games.

“Now that we have an (executive board) meeting on June 9 it makes sense to use this opportunity,” pahayag ng IOC. “In addition, an early decision is clearly beneficial to all the parties involved.”

Ang half-court basketball format ang isa sa sumisikat na larongayon sa mundo. Tinangka itong isama sa Rio Games noong 2016 ngunit hindi pumayag ang host country.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Sa Tokyo, umaasa ang FIBA (International Basketball Federation) na makakasama ang 3-on-3 tulad ng naunang nang inaprubahan na skateboarding at sport climbing.

“Now there is an urban cluster that has been created,” sambit ni FIBA secretary general Patrick Baumann sa The Associated Press. “The best urban team sport is 3-on-3 street basketball. It would certainly be a perfect fit.”

Inaasahan namang magbabawa ng event sa canoeing, rowing, at shooting federations sa men’s event upang bigyan nang pagkakataon ang women’s class.