Kinumpirma kahapon ng Department of Foreign Affairs (DFA) na walang nadamay na Pilipino sa naganap na pagsabog sa Kabul, Afghanistan nitong Miyerkules ng umaga.

Ito ay batay sa natanggap na impormasyon ng DFA mula sa Embahada ng Pilipinas sa Islamabad, Pakistan, na may hurisdiksiyon sa Afghanistan, na nag-ulat na lahat ng Pilipino sa naturang bansa ay pawang ligtas kasunod ng pagsabog.

Napaulat na 90 ang nasawi at 450 na iba pa ang nasugatan sa nasabing car bombing.

Agad nakipag-ugnayan ang Embahada ng Pilipinas sa Area Coordinator ng Filipino Community sa Kabul nang mabatid ng tanggapan ang insidente.

Metro

High-grade marijuana, <b>nasabat ng pulisya matapos i-deliver sa fast food resto</b>

Maaaring maabot ang Embahada ng Pilipinas sa House No. 7-A Koshar Road Sector 7/2, Islamabad, Pakistan, tumawag sa +92 51-2655078, o mag-email sa [email protected] [email protected]. (Bella Gamotea)