INAYUDAHAN ng Philippine Sports Commission (PSC), sa pamamagitan ng Philippine Sports Institute (PSI) ang pagbuo at pagbalangkas sa komprehinsibong sports development program sa lalawigan ng Mindoro Occidental sa isinagawang coaches and trainors consultative meeting kamakailan.

Dinaluhan ng sports coordinators, kabilang ang mga guro sa Physical Education ang dalawang araw na programa na naglalayong ma-institutionalize ang sports plan ng lalawigan.

“We want that to be crafted, to be submitted to the Sangguniang Panlalawigan so that it will become a law,” pahayag ni Congresswoman Josephine Y.R. Sato.

“We want to have one in the province,” hiling naman ni Governor Mario Gene J. Mendiola, kay PSC Chairman William “Butch” Ramirez matapos ang kanilang pagpupulong.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Kabilang sina Congresswoman Sato at Gov. Mendiola sa 80 sports enthusiasts na kinabibilangan din ni Schools Division Superintendent Dr. Danilo Roxas na kalahok sa consultative meeting.

Sa isinagawang workshop na isinagawa nina Dr. Sergio Opeña at Dr. Gemima Valderrama, natukoy ang mga sports na malaki ang potensyal sa lalawigan para maging world-class.

“We can push more activities including the indigenous people to be part of the Provincial Sports Program,” sambit ni Gov. Mendiola.

Nagpahatid din ng suporta at pasasalamat sa naturang programa ng PSC si Mamburao Mayor Angelina F. Tria.

“We will be there to help our children by engaging in sports activities,” pahayag ni Trias.

Isinumite naman ni PSI National Director Marc Edward Velasco ang ‘blueprint’ para sa isususlong na grassroots program.