Isang putol na binti ng tao ang nadiskubre ng awtoridad sa Quezon City kamakalawa.

Nagsasagawa na ng imbestigasyon ang Quezon City Police District’s Criminal Investigation and Detection Unit (QCPD-CIDU) sa putol na binti na itinapon sa kahabaan ng Mayaman Street, malapit sa panulukan ng Maginhawa Street sa Barangay UP Village, dakong 12:30 ng gabi.

Ayon kay Jojo Mercolesia, isang bus boy, itatapon na niya ang mga basura ng kanilang restaurant nang mapansin niya ang isang itim na garbage bag.

Binuksan niya ang garbage bag at natagpuan ang isang berde at selyadong timba at lalo siyang naintriga.

National

Agusan del Sur, nilindol ng magnitude 5.3

Nasa loob ng timba, sa gulat niya, ang isang putol na kanang binti na nakababad sa tubig. Dumiretso si Mercolesia sa pulisya upang i-report ang nakita.

Ayon kay PO3 Julius Balbuena, imbestigador, pinaniniwalaang binti ito ng isang babae na nasa edad 45 hanggang 60.

Base sa initial observation ng Scene of the Crime Operatives (SOCO), ang binti ay lumalabas na galing sa ospital dahil ang timbang kinalagyan nito ay selyado. At sa paraan ng pagkakaputol ito ay “neat, as if carefully cut.”

Idinagdag niya, base pa rin sa SOCO observation, na ito ay mula sa taong diabetic.

“It was swollen and discolored, but not really in a stage of decomposition. The SOCO said it came from a diabetic,” ani Balbuena. (Vanne Elaine P. Terrazola