Hindi na aabutin ng dalawang taon ang paglilitis ng Sandiganbayan sa kasong plunder ni dating Senator Ramon “Bong” Revilla, Jr. kaugnay ng pagkakasangkot umano nito sa “pork barrel” fund scam.

Inilabas ng anti-graft court ang pagtaya matapos na maipagpaliban na naman kahapon ang pagsisimula ng paglilitis, at muling itinakda sa Hunyo 22, dahil hindi pa rin nareresolba ng hukuman ang isinampang motion to exclude evidence ni Revilla kaugnay ng umano’y imbentong proyekto ng kapwa nito akusadong si Janet Lim-Napoles.

Sa pagdinig kahapon, pinag-aralan din ng korte ang bilang ng ihaharap na testigo at mga petsa para sa paglilitis.

Ayon sa prosekusyon, maghaharap ito ng aabot sa 50 testigo, habang 37 testigo ang ipiprisinta ni Revilla, at 13 kay Napoles. (Rommel P. Tabbad)

Tsika at Intriga

Carlos Yulo, wala pa raw naibibigay na tulong sa pamilya kahit palihim na abot?