Plano ng pamunuan ng Light Rail Transit-Line 1 (LRT-1) na ipatupad ang mas pinahaba at mas pinaraming biyahe ng kanilang mga tren sa pagbubukas ng klase sa Lunes, Hunyo 5.

Ayon kay Light Rail Manila Corp. (LRMC) president at chief executive officer Rogelio Singson, gagawin na nilang opisyal ang pagpapatupad ng extended operating hours, na una nilang isinailalim sa dry run.

Sa bagong schedule, ang unang tren ng LRT-1 mula sa Baclaran at Roosevelt Stations ay bibiyahe ng 4:30 ng madaling araw, at ang huling biyahe naman sa Baclaran ay 10:00 ng gabi habang 10:15 ng gabi sa Roosevelt Station.

Kaugnay nito, plano rin ng LRMC na magdagdag pa ng biyahe ng tren ng hanggang walong porsiyento, upang mabawasan ang overcrowding sa mga tren at mga istasyon.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Mula sa dating 512, plano itong gawing 554 na biyahe kada araw.

Samantala, dadagdagan na din umano ng LRMC ang speed limit ng mga tren sa LRT-1 north extension. Mula 40 kph ay gagawin nang 60 kph. (Mary Ann Santiago)