Mga Laro Ngayon

(Araneta Coliseum)

4:15 n.h. – SMB vs Globalport

7 n.g. -- Ginebra vs Mahindra

May cash incentives din; Karl Eldrew Yulo, tumanggap ng ₱500K mula kay Chavit!

PORMAL na susungkitin ng San Miguel Beer at Ginebra San Miguel ang No.2 spot sa quarterfinals sa magkahiwalay na laro ngayon sa pagtatapos ng elimination round ng 2017 OPPO-PBA Commissioners Cup sa Araneta Coliseum.

Magkasalo sa kasalukuyan sa ikalawang puwesto taglay ang barahang 8-2 nakabuntot ang Beermen at Kings sa namumunong Star na nakalalamang sa kanila ng isang panalo.

Mauunang sumabak ang Beermen kontra Globalport na naghahangad na masiguro ang isang quarterfinals berth sa pagpuntirya ng ikalima nilang panalo ganap na 4:15 ng hapon.

Makakasagupa naman ng crowd favorite Kings ang Mahindra sa tampok na laro sa 7:30 ng gabi.

Ang panalo ng Kings at Beermen ay magbibigay sa kanila ng 1-2 spot ayon sa pagkakasunod at magbababa naman sa Star Hotshots sa No. 3 dahil natalo sila parehas ng Ginebra (98-113) at SMB (97-103) sa elimination.

Sa pagkakatong magtabla, makokopo ng Ginebra ang top spot dahil natalo nila ang San Miguel (107-99) noong Mayo 21.

Kung matatalo ang Batang Pier babagsak sila sa markang 4-7 at makikipag-agawan sa Alaska at Phoenix sa huling quarterfinals berth. (Marivic Awitan)