BANGUI, Ilocos Norte – Isang apat na taong gulang na babae ang nasawi makaraang malunod habang nagkakasiyahan sa picnic ang kanyang pamilya sa Barangay Nagbalagan sa bayan ng Bangui sa Ilocos Norte.
Dakong 11:46 ng umaga nitong Miyerkules at nagkakasayahan habang nagpi-picnic malapit sa ilog ang pamilya ni Norlyn Baldoz, 22, taga-Pagudpud, nang hindi niya mapansin na nagawi na sa malalim na bahagi ng ilog ang anak niyang si Emelie Margarette Faye Taggao.
Isang Joel Pascua nang nakakita sa bata sa ilog at dinala ito sa pagamutan ngunit binawian na ng buhay.
(Liezle Basa Iñigo)