CEBU – Tanyag ang tinaguriang ‘Queen of the South’ sa mga pamosong fighter, ngunit bibihira pang makagawa ng pangalan ang isang babaeng boxer.

Inaasahan ni Casey Morton, isang undefeated boxer mula sa Oahu, Hawaii, na makakalikha siya ng interest sa boxing enthusiast sa lungsod sa kanyang pagsabak sa undercard ng “ENGKWENTRO DINHI SA MANDAUE”: VISAYAS VS. MINDANAO sa Hunyo 10 sa Mandaue City Sports Complex.

Naging pro fighter si Morton (4-0-3) noong 2014 mula sa pagiging amateur champion sa Golden Gloves Championship Open/Elite Division at Northern California’s USA Boxing Regional Championship.

Nakalista siya bilang No.3 sa USA Boxing noong 2012 at tinanghal na Adidas National Boxing Champion at Best Female Boxer Awardee.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

sa kanyang unang laban sa Mandaue City, makakaharap niya si Thai Phannaluk Kongsang (0-2).

Tampok na duwelo sa fight card ang duwelo ng magkapatid na sina Vic at Froilan Saludar kontra kina Mindanao pride Vince Paras at Robert Paradero, ayon sa pagkakasunod.