Pinaigting pa ng pamahalaan ang monitoring sa kalidad ng hanging nalalanghap sa bansa araw-araw.
Ito ay matapos ilunsad kahapon ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang Metro Manila-wide real-time air quality monitoring system (AQMS) sa tulong na rin ng European Union (EU).
Paliwanag ng DENR, ang nabanggit na proyekto ay bahagi lamang ng SWITCH-Asia technical assistance program ng EU na nagbibigay ng ayuda sa Pilipinas na 3.5 million euros (P190 milyon).