Mahigit sa 1,000 private elementary at high schools sa bansa ang pinahintulutan ng Department of Education (DepEd) na magtaas ng matrikula para sa School Year 2017-2018.

Ayon kay Education Secretary Leonor Briones, ang naturang bilang ng mga pribadong paaralan ay walong porsiyento lamang ng 12,890 private elementary at secondary schools na nag-apply para sa tuition fee hike.

“1,013 out of 12,890 private schools are allowed to increase their tuition [for this school year]. We have a fixed rate in elementary and secondary education, but some private schools will increase their tuition because they have to build new buildings and other [school] facilities, increase the salaries of teachers, etcetera, that has to be approved. There are schools that will offer senior high school, they have to build new buildings and laboratory facilities,” sinabi Briones sa isang pulong balitaan.

“So it’s their [parents] choice if they will send their children to private schools, and they’re willing to pay the so-called top off in private schools, but there are private schools that will not increase their tuition fee,” ayon sa kalihim.

National

Marce, lalo pang lumakas; Signal #1, itinaas sa 14 lugar sa Luzon

Nabatid na sa Region 11 (Davao Region) ang may pinakamalaking bilang, umabot sa 154 o 26 percent, ng mga pribadong paaralan na pinayagang magpatupad ng tuition hike.

Sinundan ito ng Region 5 (Bicol) na may 101 o 18 percent at Region 10 (Northern Mindanao) na may 88 o 15 percent.

Sa National Capital Region (NCR), 183 o 9 percent lamang ang pinayagang magtaas ng matrikula.

27 MILYON ESTUDYANTE MAGBABALIK-ESKUWELA

Inaasahang aabot sa 27 milyong mag-aaral mula sa pampubliko at pribadong paaralan sa bansa ang magbabalik-eskuwela sa Lunes, Hunyo 5.

Ayon sa DepEd, sa nasabing bilang, 2.8 milyon ang mula sa Senior High School (SHS), 7.6 milyon ang mula sa Junior High School (JHS), 14.4 milyon ang mula sa elementary at dalawang milyon ang mula sa kinder.

Kaugnay nito, sa 2017 Oplan Balik Eskwela (OBE) Inter-agency Command and Press Conference ng DepEd kahapon, sa pangunguna ni Education Secretary Leonor Briones, tiniyak na handang-handa na ang lahat para sa pagbubukas ng klase.

Ginagawa rin, aniya, nila ang lahat upang masiguro ang maayos at ligtas ang pagbubukas ng klase sa Lunes.

(MARY ANN SANTIAGO)