WASHINGTON (AP) — Mainit na tinanggap ni US President Donald Trump ang prime minister ng Vietnam sa pagbisita nito sa White House nitong Miyerkules upang talakayin ang kakulangan sa kalakalan.
Si Prime Minister Nguyen Xuan Phuc ang unang leader na bumisita sa White House mula sa Southeast Asia, kung saan nakikipagkompetensiya ang US sa China. Kinumpirma ng dalawang leader na bilyun-bilyong dolyar sa U.S.-Vietnamese business deals ang nilagdaan, ngunit walang ipinagkaloob na detalye.
“We have a major trade deficit with Vietnam, which will hopefully balance out in a short period of time. We expect to be able to do that,” sabi ni Trump.