BONGABON, Nueva Ecija - Nabigong mailusot ng isang 37-anyos na lalaking dalaw ang almusal para sa isang bilanggo makaraang makumpiska sa kanya ang isang sachet ng hinihinalang shabu na inipit sa balot ng chewing gum sa piitan sa Barangay Social sa Bongabon, Nueva Ecija, kahapon ng umaga.
Kaagad na inaresto ng jail officer na si PO3 Ryan Dino Asuncion si Francis Pacis y Caysip, binata, tricycle driver, at taga-Bgy. San Roque na hindi nailusot ang bitbit niyang almusal para sa bilanggong si Bertrand Fajardo y Gamboa, na akusado sa pagtutulak ng droga.
Dakong 7:40 ng umaga kahapon at nagsasagawa ng routine inspection sa mga bitbit ng dalaw nang mabuking ni Asuncion ang isang plastic sachet ng hinihinalang shabu na inipit sa wrapper ng chewing gum, na nagkakahalaga ng P1,000.
(Light A. Nolasco)