ANG bigas, isa sa pinakamahahalagang pangunahing pagkain sa mundo at kinokonsumo ng mahigit sa kalahati ng pandaigdigang populasyon, ay unang itinanim sa China may 10,000 taon na ang nakalipas, ayon sa isang bagong pag-aaral.

“Such an age for the beginnings of rice cultivation and domestication would agree with the parallel beginnings of agriculture in other regions of the world during a period of profound environmental change when the Pleistocene was transitioning into the Holocene,” sabi ni Lu Houyuan, propesor sa Institute of Geology and Geophysics sa Chinese Academy of Sciences, na nanguna sa pag-aaral.

Ang pananaliksik, na inilathala sa U.S. Proceedings of the National Academy of Sciences, ay kinumpleto sa pakikipagtulungan ng Zhejiang Provincial Institute of Relics and Archaeology at ng Institute of Geographic Sciences and Natural Resources Research sa Chinese Academy of Sciences.

Ang mga katanungan tungkol sa pinagmulan ng bigas ay nagbunsod ng maraming debate sa nakalipas na dekada.

Night Owl

Pagpapanatili ng mga Boses: Paano Pinoprotektahan ng NightOwlGPT ang mga Nanganganib na Wika

Una nang nadiskubre ang bigas mula sa lugar ng Shangshan sa Lower Yangtze ng China at kinilala bilang unag halimbawa ng pagtatanim ng bigas.

Gayunman, ang edad ng rice fossils ay natukoy sa tulong ng radiocarbon dating sa organikong bagay sa mga hulmahan ng pasô, na maaaring kontaminado ng sinaunang carbon sources, ayon kay Lu.

Upang malimitahan ang edad ng phytoliths, lumikha ang mga mananaliksik ng mga bagong paraan upang maihiwalay ang rice phytoliths mula sa carbon sources, gaya ng clays at carbonate, at direktang tinukoy ang petsa ng mga sample gamit ang radiocarbon dating.

Nakumpirmang ang phytoliths na nahukay mula sa lugar ng Shangshan ay nasa 9,400 taong gulang na.

Nangangahulugan ito na posibleng ang pagtatanim ng palay ay nagsimula sa Shangshan may 10,000 taon na ang nakalipas sa pagsisimula ng Holocene, kung pagbabasehan ang distansiya sa pagitan ng mga phytolith sample at ang pinakamababang bahagi ng lugar, gayundin ang mabagal na paglago ng palay, ayon kay Lu. (PNA)