Nahuli ang pulisya ang nasa 80 katao na lumabag sa ipinatutupad na curfew hour ng Philippine National Police (PNP) sa Tacurong City at sa iba pang bayan sa Sultan Kudarat, nitong Martes ng gabi.

Sa pahayag ni Sultan Kudarat Police Provincial Office (SKPPO) director Senior Supt. Raul Supiter, dakong 10:00 ng gabi nitong Martes hanggang 4:00 ng umaga kahapon inaresto ang nasabing bilang ng mga lumabag sa curfew sa Sultan Kudarat, alinsunod sa umiiral na batas militar sa Mindanao. (Fer Taboy)

Probinsya

Suspek sa pinatay na 7-anyos na batang babae, nakainom bago upakan ang biktima!