010617_treasure hunters_01_la union_erwin beleo copy

Isang mag-amang treasure hunter at isa pa nilang kasamahan ang nalibing nang buhay nitong Martes makaraang gumuho ang hinuhukay nila sa Barangay San Fermin sa Caba, La Union.

Sa ginawang search and retrieval operation, nakilala ang mga nasawi na si Wilfredo Gatchalian, Jr., 59, taga-Bgy. Sobredillo, Caba; at ang mag-amang sina Bonifacio Rimorin, 54; at Jonathan Rimorin, 30, dating tauhan ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP), kapwa taga-Bgy. Gana, Caba, La Union.

Sa ulat na tinanggap kahapon ng Balita mula kay Chief Insp. Silverio Ordinado, Jr., bandang 10:45 ng umaga nang gumuho ang lupang hinuhukay ng mga biktima, at dakong 2:00 ng hapon na sila nakuha.

Trending

Babaeng gusto na magkaanak, nakipag-s*x sa iba dahil laging busy ang partner niya

Nabatid sa ilang residente na ilang taon nang nagsasagawa ng treasure hunting ang tatlong nasawi. (Liezle Basa Iñigo)