SAN JOSE, Tarlac - Dalawang magsasaka ang nahaharap sa kasong pagnanakaw makaraang inireklamo ng miyembro ng Citizen Armed Force Geographical Unit (CAFGU) na tinangayan umano nila ng kalabaw sa Barangay Maamot, San Jose, Tarlac, nitong Martes ng umaga.

Kinasuhan na sina Rafael Bacsa at Ramil Bacsa, kapwa nasa hustong gulang at residente sa nasabing barangay, ni Isagani Labrador, 39, may asawa, nakatalaga sa CAA Detachment sa Bgy. Maamot, San Jose, Tarlac.

Dakong 7:00 ng umaga kahapon nang mamataan ni Labrador ang kanyang kalabaw—na ilang araw nang nawawala—sa bakuran ni Rafael, bagamat iginiit ng mga suspek na pag-aari nila ang kalabaw. (Leandro Alborote)

Probinsya

64-anyos, natagpuang patay sa dalampasigan sa Samar