KALIBO, Aklan - Tinatayang aabot sa 114 na pulis sa iba’t ibang lalawigan sa Western Visayas ang ipadadala sa Marawi City, Lanao del Sur, kung saan nananatili ang mahigit isang linggo nang bakbakan sa pagitan ng mga sundalo at pulis at mga terorista ng Maute Group.

Ayon kay SPO1 Nida Gregas, information officer ng Aklan Police Provincial Office (APPO), sampu sa 114 na pulis ay manggagaling sa Public Safety Company ng APPO.

Hindi naman malinaw kung ano ang partikular na tungkulin ng mga pulis mula sa Western Visayas sa Marawi.

Ayon kay Gregas, inaasahang tutulak patungong Marawi ang nasabing bilang ng mga pulis bago matapos ang linggong ito.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Nilinaw naman ni Gregas na ang nasabing deployment ay hindi makaaapekto sa seguridad sa isla ng Boracay sa Malay.

(Jun N. Aguirre)