MABINI, Batangas - Nasa kustodiya na ng pulisya ang isang hinihinalang drug pusher matapos makumpiskahan ng ilegal na droga at granada sa raid na isinagawa ng pulisya sa Mabini, Batangas, kahapon.

Kinilala ang suspek na si Kelvin Andaya, 25, ng Barangay San Juan, Mabini.

Ayon sa report ng Batangas Police Provincial Office (BPPO), dakong 12:10 ng umaga nang isagawa ang raid ng grupo ni Senior Insp. Rhyan Olave, ng Mabini Police, sa bahay ni Andaya.

Ang pagsalakay ay sa bisa ng search warrant sa kaso ng droga na inisyu ni Judge Agripino Morga, ng Regional Trial Court sa San Pablo City, Laguna.

Probinsya

74-anyos na lolang hinabol ang alagang pusa, patay matapos mabangga

Nakumpiska umano mula sa suspek ang anim na sachet ng hinihinalang shabu, at isang granada. (Lyka Manalo)