Pansamantalang mawawalan ng supply ng tubig ang ilang lugar sa Metro Manila simula ngayong Miyerkules ng gabi hanggang bukas ng umaga, base sa abiso ng Manila Water.
Ayon sa Manila Water, ipatutupad ang water interruption mamayang 8:00 ng gabi at magtatagal hanggang 6:00 ng umaga bukas, Hunyo 1, sa lahat ng barangay sa Pateros.
Apektado rin ang ilang barangay sa Pasig City, kabilang ang Kapasigan, San Jose, Sta. Rosa, Sumilang, San Jose, Sta. Rosa, Sta. Cruz, Sto. Tomas, Bambang, San Joaquin, Kalawaan at Buting.
Mawawalan din ng water supply sa Taguig City, partikular na sa mga barangay ng Ususan, Tuktukan, Sta. Ana, Ibayo Tipas, Ligid Tipas, Napindan, Palingon, Calzada, Wawa, San Miguel, Hagonoy, Bambang at ilang bahagi ng New Lower Bicutan.
Ito ay bunsod ng pagpapalit ng tubo at relokasyon sa Parian Creek sa Bgy. Kapasigan, Pasig.
Pinapayuhan ang mga residente sa mga nabanggit na barangay na mag-imbak ng sapat tubig. (Bella Gamotea)