NEW YORK (AP) – Inihayag ni Olivia Newton-John na bumalik ang kanyang breast cancer at kinansela ang kanyang tour ngayong Hunyo.

Sinabi ng 68-anyos na singer na inakala niya noong una na sumasakit lamang ang kanyang likod, hanggang sa makumpirma niya kalaunan na mayroon siyang “breast cancer that has metastasized to the sacrum.”

Kailangan niyang kumpletuhin ang isang “short course of photon radiation therapy” at umaasa siyang makapagtatanghal na uli sa huling bahagi ng taon.

Aniya, sasailalim siya sa gamutan ng medical team ng Olivia Newton-John Cancer Wellness and Research Centre sa Melbourne, Australia.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

“I decided on my direction of therapies after consultation with my doctors and natural therapists,” sabi ni Olivia na nagpasikat ng mga awiting Physical, Hopelessly Devoted To You at I Honestly Love You, at maraming iba pa.

Makukuha ng mga nakabili na ng ticket ang refund para sa mga nakanselang show ni Olivia sa Amerika at Canada.

Taong 1992 nang ma-diagnose na may breast cancer si Olivia, at sumailalim siya sa chemotherapy pagkatapos ng modified radical mastectomy o pagtatanggal sa kanyang dibdib.

Sumailalim din siya sa acupuncture, na ayon sa kanya ay malaki ang naitulong sa nararamdaman niyang pagkahilo.

Nakatulong din sa kanyang mabilis na paggaling, ayon kay Olivia, ang yoga, meditation at massage.

(May ulat ng Los Angeles Times)