ZANJOE NAYOMI AT BELA copy

TINUTUTUKAN at mas sinuportahan ng televiewers ang pagpapakita ng katatagan ng pamilya nina Jude (Zanjoe Marudo) at Clara (Bela Padilla) kasama sina Gia (Ria Atayde) at Margaret (Coney Reyes) para mailigtas ang buhay ni Heart (Nayomi Ramos) sa My Dear Heart, kaya ito ang namamayagpag sa TV ratings game sa buong bansa at tinalo ang pagtatapos ng dati nitong katapat noong Biyernes (May 26) at ang pag-uumpisa ng bago nitong karibal nitong Lunes (May 29).

Tinutukan ang patuloy na paglaban ni Heart sa kanyang karamdaman noong Biyernes nang bigla siyang manghina na nagkamit ng national TV rating na 26.9%, kumpara sa huling episode ng Destined to Be Yours na nakakuha lamang ng 18.6%, base sa viewership survey data ng Kantar Media sa urban at rural na kabahayan sa bansa.

Patuloy na ipinadama ng mga manonood ang kanilang suporta sa My Dear Heart hanggang Lunes (May 29), nang matuklasan na ni Gia ang paglason ni Francis (Eric Quizon) sa kanyang anak, na nagtala naman ng national TV rating na 28%, samantalang nakakuha lang ang My Love From The Star ng 19.2%.

Trending

Babaeng gusto na magkaanak, nakipag-s*x sa iba dahil laging busy ang partner niya

Tinutukan din ng netizens ang makapigil-hiningang mga tagpo sa serye dahil naging trending topics sa Twitter ang official hashtags ng palabas na #MDHKapitLang at #MDHSalarin matapos makakuha ng libu-libong tweets.

Samantala, ngayong alam na nina Jude, Clara, Gia, at Margaret na may lumalason kay Heart, patuloy nilang aalamin ang katotohahan at hahanapin ang salarin upang pagbayarin sa kasalanan nito. Ngunit hindi naman magpapahuli si Francis na patuloy silang pinaiikot sa kanyang mga kasinungalingan.

Kaabang-abang kung ano ang kanilang gagawin kapag nalaman nilang si Francis na itinuturing pa naman nilang kaibigan ang tumatraydor sa kanila. Mailigtas pa kaya si Heart bago mahuli ang lahat?

Huwag palampasin ang My Dear Heart, ang teleserye na nagpapaalala sa puso para magmahal, gabi-gabi pagkatapos ng FPJ’s Ang Probinsyano sa ABS-CBN o sa ABS-CBN HD (Skycable ch 167). Panoorin ang past episodes ng palabas sa iWant TV o sa skyondemand.com.ph para sa Sky subscribers.