GERALD AT ARCI copy copy

NAKAKABALIW kausap si Arci Muñoz, at partida pang hindi siya nakainom pero sobrang daldal na sinamantala ng entertainment press ang pagharap ng dalaga sa presscon ng Can We Still Be Friends last Monday.

Hangang-hanga ang dalaga sa leading man niyang si Gerald Anderson dahil consistent na gentleman simula pa lang noong una nilang pagtatambal sa Always Be My Maybe.

“Kasi kami ni ‘Ge (palayaw ng aktor)... kasi he’s such a gentleman. Kasi nga sa Always Be My Maybe ay ipinaramdam na niya sa akin na okay siya. Kasi that time, bago lang ako. Maganda ‘yung relationship namin, kaswal, komportable kami at hanggang ngayon, wala namang nagbago, ganu’n pa rin, happy set kami.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang tuluyang pagkalas ng Pilipinas sa ICC noong Marso 17, 2019

“Sa scenes namin, he always take good care of me. Sa Always Be My Maybe, may kinunan kaming scene na delicate talaga for the whole day, very maingat po siya. Ako pa nga ‘yung nagti-take advantage, ha-ha-ha,” masayang kuwento ng dalaga.

Ibinuking ni Arci ang sarili na gustung-gusto niya ang abs ni Gerald at may eksena raw na nahirapan nang husto ang aktres.

“Basta kailangan ko po kasing sum-shot kasi hindi ko keri (gawin kapag hindi nakainom). Dito po sa movie, uminom kami ng vodka kasi kailangan,” tawa nang tawang kuwento ni Arci.

Sa kadaldalan ng dalaga, nabanggit pang pinapawisan na raw ang kilikili niya.

“Sobrang lalaki ng pawis ko tulad sa anime. Madaling araw na kasi no’n at nagising din lahat ng tao sa set (dahil sa eksena). Lagi naman pong gising ang abs niya, always present, never absent.”

Supercrush pala kasi ni Arci si Zac Efron na kahawig ni Gerald, kaya crush din niya ang aktor maging noong nasa GMA pa siya.

Hindi ba ito nawala since then?

“Everytime crush ko po siya,” pilyang sagot niya.

Posible ba niyang maging boyfriend si Gerald kung wala itong girlfriend?

“Ako po ba manliligaw? Sabagay, ginagawa ko naman ‘yun. Lahat ng ex-bf (Kean Cipriano at Badi del Rosario) ko, ako nanligaw,” pag-amin ng dalaga.

Ipinagtapat din ni Arci na hindi sila friends ni Badi.

“Siya nga ang nagsabi nu’n sa akin, sabi ko hindi ko kaya kaya better na hindi na lang kami magkita. Pero ngayon naka-move on na po ako,” pagtatapat ng aktres.

“Kapag mahal mo pa kasi ang ex mo, mahirap maging friend ang ex mo,” dagdag pa ng dalaga. (REGGEE BONOAN)