PARIS (AP) — Ibinasura ng French Tennis Federation ang kredensyal ng 21-anyos na French tennis player na si Maxime Hamou matapos ang pambabastos sa babaeng reporter sa television live interview.

Sa pahayag ng FTF nitong Martes (Miyerkules sa Manila), ibinaba nila ang desisyon “following his inappropriate behaviour towards a female journalist”. Magsasagawa rin ng malalim na imbestigasyon ang grupo.

Hindi rin pinalagpas ng mga politician ang naging pag-uugali ni Hamou.

Sa kanyang Twitter, tinawag na ‘assault’ ni Sports Minister Laura Flessel ang ginawa ni Hamou kay Eurosport TV reporter Maly Thomas.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

“He kisses her by force, she tries to get away, he holds her by the neck and everyone... laughs #tired,’ Twit naman ni Cecile Duflot, miyembro ng Parliament.

Kapwa rin nila binatikos ang reaksiyon nina 1988 French Open runner-up Henri Leconte at ilang studio guest na nagtawanan lamang at nagpalakpakan matapos ang ginawang aksiyon ni Hamou.

“A live assault is not funny,” pahayag ni Flessel. “We should never let this happen, and never trivialize such acts.”

Sa kanyang pahayag sa Instagram, humingi nang patawad si Hamou, ranked 287th, “if she feels hurt or shocked by my attitude during her interview.”

Aniya, nadala siya ng kanyang damdamin at labis na pagbibiro kay Maly na aniya’y personal niyang kilala at nirerespeto.

“If I hadn’t been live on air, I would have punched him,” pahayag naman ni Maly sa panayam ng Huffington Post France.