PAMINSAN-MINSAN ay sinasagot din ni Jessy Mendiola ang mga patutsada ng bashers niya, pero may pagkakataon naman na kakaiba ang aktres sa ibang celebrities na mahilig pumatol sa panlalait sa kanila sa social media.
Sa isang post ay tinanong si Jessy kung bakit mataba siyang tingnan sa TV screen. Mas malaki raw siyang tingnan sa TV kaysa kung nakikita siya sa personal.
Ang seksi-seksi naman daw kasi ng girlfriend ni Luis Manzano sa Instagram photos na malaki ang pagkakaiba kapag napapanood na nila ang aktres sa TV.
Sa halip na mapikon o magalit, magalang na sinagot ni Jessy ang naturang netizen.
“TV makes you gain 10 lbs. ‘Yung talaga mas slim in person, kapag nasa TV, sakto lang, eh, ako balakangin talaga kaya kapag napanood nila ako sa TV, eh, times two ‘yun kaysa nakikita nila sa personal na katawan, ko,” katwiran pa ni Jessy.
Nagpasalamat agad ang netizen dahil sinagot daw siya ni Jessy nang maayos at hindi siya nakatanggap ng taray.
Sa totoo lang, may mga pagkakataon din na hindi mapigil si Jessy sa pagresbak sa bashers niya lalung-lalo na kapag masakit nang masyado ang mga nababasa niya.
Pero kung kalma lang si Jessy sa pakikitungo sa bashers, iba naman ang approach ng boyfriend niyang si Luis. Wala itong takot sa paglalabas ng kanyang saloobin pagdating sa mga negatibong pangbibira sa kanya.
Samantala, marami ang nakakapansin na mukhang nakikipaghabulan daw ngayon si Angel Locsin sa katabaan ni Jessy. Sa ipinalabas na episode ng Maalaala Mo Kaya last Saturday, hindi ang magandang acting ni Angel ang napansin at pinag-usapan kundi ang katabaan ng aktres, huh!
Banggit sa amin ng isa sa mga nakapanood ng nasabing MMK episode, walang dudang magaling talagang umarte si Angel pero kapansin-pansin na rin daw ang katabaan ng Kapamilya aktres. (JIMI ESCALA)