Ilang pulis na nakatalaga sa Marawi City ang iniulat na nawawala sa ikawalong araw ng labanan ng puwersa ng pamahalaan at ng Maute Group.

Mismong si Philippine National Police (PNP) chief, Director General Ronald “Bato” dela Rosa, ang nagbunyag nito pero hindi niya sinabi ang eksaktong bilang ng mga nawawalang pulis.

“They lost contact. We do not know if they were captured or they were just hiding,” sabi ni dela Rosa.

Sinabi ng opisyal na ang mga nawawalang pulis ay nakatalaga sa Marawi City na naipit o nakulong nang magsimula ang pakikipaglaban ng Maute sa mga pulis at sundalo simula noong Mayo 23.

Eleksyon

Archdiocese of Manila, hindi mag-eendorso ng kandidato sa eleksyon

Kasalukuyang sinisikap alamin ang kinaroroonan ng mga nawawalang pulis, sabi ni dela Rosa.

Ayon kay dela Rosa, batay sa kanilang records, tatlong pulis na ang napatay at tatlong iba pa ang nasugatan sa bakbakan sa Marawi.

Kaugnay nito, inalerto na rin ni dela Rosa ang karagdagang puwersa ng elite na Special Action Force at ang Regional Public Safety Battalions sa iba’t ibang panig ng bansa sa posibilidad na ma-deploy ang mga ito sa Marawi.

(Aaron B. Recuenco)