The New York City Pride 'Dance on the Pier event

PINAGHAHANDAAN ng lokal na pamahalaan ng Lungsod ng Pasay ang paglalatag ng mahigpit na seguridad para sa nalalapit na concert ng international pop star na si Britney Spears sa SM Mall of Asia Arena.

 

Nagpatawag ng closed door meeting si Pasay City Mayor Antonino Calixto kahapon sa pamamagitan ng kanyang kinatawan na si Atty. Jemelo Villones kina Southern Police District (SPD) Director Tomas Apolinario; Pasay Police Chief Senior Supt. Dionisio Bartolome; Parañaque Police Chief Senior Supt. Jemar Modequillo at mga organizer ng nasabing concert.

Human-Interest

Dating ALS learner, isa nang ganap na police officer

 

Binigyan ng pamahalaang lokal ng tatlong linggo ang mga organizer na magsumite ng mga pangalan ng kanilang marshals at medical team na itatalaga sa area sakaling may hindi inaasahang mangyaring insidente sa paligid ng pagdadausan ng concert.

 

Iniutos naman ni Apolinario sa organizers na mandato sila sa paglalagay ng closed circuit television (CCTV) cameras sa pagdarausan at magbigay ng kopya sa pulisya upang madaling matukoy ang pagkakilanlan ng sinumang gumawa o sangkot sa kaguluhan sa lugar.

 

Sa Hunyo 15 nakatakdang ganapin ang concert ni Britney Spears sa SM MOA Arena at sa Agosto 21 naman ang konsiyerto ni Ariana Grande.

 

Layunin ng naturang pulong na tiyakin ang kaligtasan ng publiko lalo na ang mga dadalo sa naturang concerts.

 

Naging kontrobersiyal ang pagtatapos ng concert ni Ariana Grande sa Manchester Arena sa United Kingdom (UK) dahil sa nangyaring pagsabog na ikinamatay ng 22 katao at pagkasugat ng marami pa nitong nakaraang linggo.

Ang naturang pagsabog ay inako ng ISIS. (BELLA GAMOTEA)