NEW YORK (AP) – Sasama sina Justin Bieber, Katy Perry at ang Coldplay sa charity concert ni Ariana Grande sa Manchester, England sa Linggo.
Inihayag nitong Martes ni Ariana na gaganapin ang kanyang One Love Manchester show sa Old Trafford cricket ground sa London pagkaraan ng dalawang linggo simula nang maganap ang suicide bombing na ikinasawi ng 22 katao at ikinasugat ng mahigit 100 iba pa ilang minuto pagkatapos ng concert ng pop star sa Manchester.
Magtatanghal din sina Pharrell Williams, Miley Cyrus, Usher, Niall Horan at ang Take That. Ang kikitain sa concert ay ipagkakaloob sa emergency fund na itinatag ng Manchester at ng British Red Cross.
Sisimulan ang pagbebenta sa mga ticket ngayong Huwebes.
“We will not quit or operate in fear. We won’t let this divide us. We won’t let hate win,” saad sa pahayag ni Ariana.
“Our response to this violence must be to come closer together, to help each other, to love more, to sing louder and to live more kindly and generously than we did before.”
Dagdag pa ni Ariana: “Music is meant to heal us, to bring us together, to make us happy. So that is what it will continue to do for us.”
Ayon sa British police, hindi kinasuhan at pinalaya na nila ang tatlo sa 14 na kataong inaresto pagkatapos ng Manchester Arena suicide bombing at natukoy sa masusing imbestigasyon na tanging ang bomber na si Salman Abedi ang mag-isang gumawa sa bomba.
Sinabi ni Russ Jackson, hepe ng Northwest Counterterrorism Unit ng pulisya, na batay sa pagsusuri sa surveillance camera footage at sa iba pang ebidensiya, makikitang si “Abedi himself made most of the purchases of the core components” ng bomba.
“Many of his movements and actions have been carried out alone during the four days from him landing in the country (to) committing this awful attack,” sabi ni Jackson.