WALA nang mang-ookray at tatawag ng “taba” kay Bea Binene dahil malaki ang ipinayat niya pagkatapos mag-diet, mag-gym at mag-workout. Bago pa man niya sinimulan ang arnis at Muay Thai training para sa Mulawin vs Ravena, nagdyi-gym at nagda-diet na si Bea. Dahil dedicated sa gustong ma-achieve, bumilis ang pagpayat niya.
Ginulat pa ni Bea ang kanyang fans nang mag-post siya ng picture niya habang nasa beach siya, naka-top ng two-piece swimsuit at kahit may suot na shorts, kita pa rin ang kaseksihan. Saka first time niyang nag-post na naka-bikini at nakaharap. Dati, lagi siyang nakatalikod ‘pag nagpo-post ng picture na naka-swimsuit.
“SEAs the day #pagbigyan #minsanlangto #nagpapayatpadontjudge #paratingpalangangabs #waitlangnatrafficangabs #absnasanka,” ang caption at hashtag na ginamit ni Bea.
Samantala, matanong nga si Bea kung hindi ba siya napi-pressure dahil umani ng papuri si Leanne Bautista, ang child star na gumanap na young Anya. Mahusay umarte ang gumanap na little Anya, may angas, may swag at matapang. Ang request nga ng viewers, huwag nang lumaki ang little Anya na hindi puwede dahil paano tatakbo ang story ng Mulawin vs Ravena. (NITZ MIRALLES)