NAG-SORRY kay Angel Locsin ang isa niyang fan na nagpahayag ng disappointment sa social media dahil si Kathryn Bernardo na ang gaganap sa role at karakter na Malia sa La Luna Sangre. Tina-tag si Angel sa tweet ng fan na siya pa rin ang gusto para gumanap as Malia dahil siya pa rin daw ang perfect for the said role at hindi si Kathryn.
Sinegundahan pa ng kapwa fans ni Angel ang naghihimutok na fan, kaya nauwi ito sa sagutan ang fans ni Angel at ng KathNiel fans nina Kathryn at Daniel Padilla.
Humaba ang sagutan ng dalawang grupo, kaya hindi na nakapagpigil si Angel para mamagitan via Twitter.
‘Kaso, ang akala ni Angel ay KathNiel fan ang nagrereklamo, kaya para sa KN fan ang tweet niyang, “Alam mong hindi ko naman kelangang gawin ang Luna pero heto ako’t sinusuportahan ko sila. Kaya matuto kang rumespeto at magpasalamat.”
Dito na nag-sorry ang fan ni Angel at nilinaw na walang isyu sa kanya ang KN fans at ang fan niya ang pasimuno ng kaguluhan.
Binanggit ng fan ni Angel na nagpapasalamat ang KN fans na pumayag sila ni John Lloyd Cruz para gumanap na mga magulang ni Kathryn sa La Luna Sangre. (Nitz Miralles)